TheWorshipLyrics

Nag-uumapaw
by: Malayang Pilipino

Nag-uumapaw

by: Malayang Pilipino



Verse 1:

Hesus, Ikaw ang puso
Ng pagdiriwang na ito
Walang ibang itataas
Kundi ang Ngalan Mo


Verse 2:

Hindi ka nagsasawang
Kami ay laging mahalin
Sa aming pagkukulang
Ang awa Mo'y 'di babawiin


Chorus:

Nag-uumapaw
Damdamin ko'y sumisigaw
Sa pag-ibig Mo
Ang buong mundo'y
Mag-uumapaw
Ang lahat ay sisigaw
Ikaw ang Diyos
Tunay na dakila at tapat


Rap:

Gusto kitang kausapin
Harap-harapan, O Ama
Kasi gusto kitang pasalamatan
Para sa mga ginawa mong kabutihan
Kahit ang sama sama ko na
Sinamahan mo ako
Kung nasan ako, naroon Ka
Ikaw ang nagbigay
Ng talento para sa'kin
Ito ay gagamitin ko para Ika'y purihin
Sambahin, pasalamatan
Para sa kasiyahan
Pag-ibig mo'y naramdaman
Kahit makasalanan
Umaapaw ang pagmamahal Mo
Walang hangganan
Para sa'king kaligtasan
Pinawi ang lungkot
At poot sa aking puso
Binago ang buhay ko
Sa Kanya lahat sinuko
Salamat po sa pagpapala
At pag-ibig na tunay
Salamat dahil tinuruan Niyo
Kung pano mabuhay
Ikaw ang pupurihin at wala ng iba
Yakapin mo ako Hesus
Alam kong nariyan Ka



About Us

Welcome to TheWorshipLyrics, where you can find a collection of worship song lyrics for your spiritual journey.

Our Mission

Our mission is to provide a platform where worshipers can easily access and engage with the lyrics of their favorite worship songs.

Contact Us

Email: info@theworshiplyrics.com