TheWorshipLyrics

Itatawid Sa Landas
by: Arnel De Pano

Itatawid Sa Landas

by: Arnel De Pano



Verse 1:

Sa bawat dahon ng aklat ng buhay
Bakas ang luha na tumatangay
Inaanod ang pag-asa
Unti-unting nawawala
Haligi ng munting daigdig ko


Verse 2:

Minsa'y nanlalamig na rin ang araw
Ihip ng hangin ma'y giniginaw
Nanlulumo, nalulumbay
Hanap ay isang gabay
Sa piling Mo'y hindi mabibigo


Chorus 1:

Kahit magunaw man ang daigdig
Lisanin man ng init
Ang mundong manlalamig
Kahit na humayo sa
Daang magkabila'y bangin
Ikaw pa rin O Diyos
Ikaw pa rin


Chorus 2:

Pag-ibig Mo'y hindi magwawakas
Kalinga Mo O Diyos
Ang s'yang magbibigay lakas
Sa anumang panganib
Ginintuan ang 'Yong pagliligtas
Panatag nga't tiyak
Itatawid Mo sa landas


Verse 3:

Kung sa tadhana'y 'di nais ang guhit
Pawang sagabal ang sinasapit
Ikaw ang s'yang tatawagan
Saro ko'y aapawan
Ng pag-asang kailanma'y dulot Mo


Chorus 1:

Kahit magunaw man ang daigdig
Lisanin man ng init
Ang mundong manlalamig
Kahit na humayo sa
Daang magkabila'y bangin
Ikaw pa rin O Diyos
Ikaw pa rin


Chorus 2:

Pag-ibig Mo'y hindi magwawakas
Kalinga Mo O Diyos
Ang s'yang magbibigay lakas
Sa anumang panganib
Ginintuan ang 'Yong pagliligtas
Panatag nga't tiyak
Itatawid Mo sa landas


Bridge:

Itatawid, ililigtas
Ihahatid hanggang wakas


Chorus 1:

Kahit magunaw man ang daigdig
Lisanin man ng init
Ang mundong manlalamig
Kahit na humayo sa
Daang magkabila'y bangin
Ikaw pa rin O Diyos
Ikaw pa rin


Chorus 2:

Pag-ibig Mo'y hindi magwawakas
Kalinga Mo O Diyos
Ang s'yang magbibigay lakas
Sa anumang panganib
Ginintuan ang 'Yong pagliligtas
Panatag nga't tiyak
Itatawid Mo sa landas


Tag:

Itatawid Mo sa landas



About Us

Welcome to TheWorshipLyrics, where you can find a collection of worship song lyrics for your spiritual journey.

Our Mission

Our mission is to provide a platform where worshipers can easily access and engage with the lyrics of their favorite worship songs.

Contact Us

Email: info@theworshiplyrics.com